Obrero tinodas sa saksak

MANILA, Philippines - Dead on arrival sa os­pital ang isang obrero makaraang pagsasak­sakin sa iba’t ibang ba­hagi ng katawan ng kan­yang bayaw matapos na magkapikunan sa inu­man dahil umano sa cell phone sa Brgy. Ba­tasan Hills sa lungsod ng Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang biktima na si Melvin Maramag, 22, construction worker at residente ng 5 H. Anonas St. Brgy. Pasong Tamo, Quezon, City.

Habang ang suspek na si Mamerto Ligutan, 33, mason/welder at residente ng Tariman Area B Brgy. Batasan Hills, Quezon City ay agad namang nadakip ng mga awtoridad.

Ayon kay PO3 Greg Maramag ng Criminal Investigation and Detective Unit (CIDU) ng Quezon City Police, nangyari ang insi­dente sa may De Gloria Ext., Tariman Talabay Area B, Brgy. Batasan Hills bandang alas 11 ng gabi. Nagta­mo ng mga ta­ma ng sak­sak ang bik­tima sa kaliwang bahagi ng braso, sikmura at dibdib na naging sanhi ng agaran nitong pag­ka­matay. Nakapiit na sa him­pilan ng CIDU sa Camp Karingal ang suspect habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Ricky T. Tulipat/Anne Gelley Avilanosa-Trainee

Show comments