Konseho, pinayuhan ni Lim

MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang mga bagong halal na kon­sehal ng Maynila sa pagbubukas ng 8th City Council ng Lung­­sod ka­hapon sa ses­sion hall ng Manila City Hall.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Lim na dapat na gawing gabay sa kanilang panunungkulan ang inau­gural speech ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Matapos ang panu­numpa ng konseho sa pa­ngunguna ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, sinabi ni Lim na dapat magsil­bing hamon sa bagong city coun­­cil ang mandato na ibinigay sa kanila para ma­pag­lingkuran nila ng ma­ayos ang kanilang nasa­sakupan.

Sinamantala na din ng alkalde ang pagkakataon para himukin ang mga kon­­sehal na tapusin na ang mga naganap na si­raan at pamumulitika noong naka­lipas na halalan.

Ayon sa alkalde mas maka­bubuti kung pagbubu­ti­hin na lamang ng konse­hal ang ka­nilang mga trabaho, dahil hindi naman umano niya pinakiki­alaman ang trabaho ng kon­seho at tiyakin na hindi sila masi­sita ng Commission on Audit­ (COA).

Kabilang sa mga ba­gong miyembro ng Manila City Coun­cil ay sina Niño dela Cruz, Irma Alfonso-Yuson, Ernix Dionisio, Dennis Alcoreza, Bobby Lim at Erick Ian Nieva (1st dis­trict); Marlon Lacson, Uno Lim, Ro­dolfo Lacsa­mana, Ruben Bue­na­ven­tura, Ramon Robles at Edward Tan (2nd district); Ber­nar­dito Ang, Joel Chua, Er­nesto Isip, Jr., Ramon Morales at Re Fugoso (3rd district); Ma. Sheilah La­cuna-Pangan, Louie Chua, Jocelyn Quintos, DJ Ba­gat­sing, Edward V.P. Maceda at Atty. Eduardo Quintos XVI (4th district); Richard Ibay, Josefina Siscar, Cora Ger­nale, Cristina Isip at Ray­mundo Yupangco (5th district) at Joy Dawis, Dennis Lacuna, Jr., Beth Rivera at Luciano Veloso (6th district).

Show comments