Umayaw sa tong-its, kritikal

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang sinaksak ng kanyang tinalo sa sugal na tong-its kahapon ng ma­daling araw sa Valenzuela City.

Nasa kritikal na kon­disyon at nilalapatan ng lunas sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Rodrigo Gultiano, 26, ng Manansala St., Bgy. Mapu­lang Lupa habang nadakip naman ang suspect na si Arnie Joel Ferrer, 27, ng Bgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng ma­daling-araw sa Francisco st., Bgy. Parada, Valenzuela City.

Inabot ng umaga ang paglalaro ng sugal na tong-its ng biktima at suspect hanggang sa umayaw ang una na hindi naman matang­gap ng huli. Lumilitaw na natalo sa sugal ang suspect.

Dahil dito, kumuha ng pa­talim ang suspect at walang sabi-sabing inunda­yan ng saksak ang biktima.

Mabilis na isinugod ang biktima sa ospital saman­talang naaresto din ang suspect.  

Show comments