^

Metro

Manhunt vs driver na nakasagasa sa paslit

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang manhunt operation ang inilunsad ng tropa ng Quezon City Police-Traffic Sector 4 sa driver ng Toyota Innova na si Percival Agustin na naka­bundol at nakapatay sa isang dalawang-taong gulang na bata sa lungsod.

Ayon kay PO3 Perlito Datu, may hawak ng kaso, sa kasalukuyan pinaghahanap pa nila si Agustin, 32, ng Sto. Domingo, Sto. Tomas Panga­si­nan matapos nitong masa­gasaan at mapatay si Leorob Clarence Valenzuela ng #14 17th St., Brgy. Kalusugan sa lungsod.

Nauna rito, napaulat na nasa kustodiya na ng TS4 ang suspect, subalit, ayon kay Datu, wala pa ito sa kanila da­hil bigla na lang itong tumakas matapos na ihatid ang bata sa St. Luke’s Medical Center.

Base sa report ni Datu, si Valenzuela ay nabundol ng mi­namanehong Toyota Inno­va (AEV-386) ni Agustin habang tinatahak ang 17th St., sa tabi ng Canosian Semi­nary, Brgy. Kalusugan nitong Huwebes.

Nagawa pang maitakbo ni Agustin ang bata sa nasabing ospital ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay. Sa pagamutan na rin tumakas ang suspect.

Patuloy ang pagsisiyasat ng TS4 sa naturang insidente habang kasong reckless im­pru­dence resulting in homi­cide ang isinampang kaso laban sa suspect.

vuukle comment

AGUSTIN

BRGY

CANOSIAN SEMI

DATU

KALUSUGAN

LEOROB CLARENCE VALENZUELA

MEDICAL CENTER

PERCIVAL AGUSTIN

PERLITO DATU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with