Paslit lasog sa kotse

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang 2 -anyos na paslit ma­ karaang mabundol at ma­gulungan pa ng isang kotse habang ito ay tuma­tawid sa isang kalye sa lungsod Quezon kama­kalawa.

Nasawi habang nilala­patan ng lunas sa St. Lukes Medical Center ang biktimang si Leorob Cla­rence Valenzuela, resi­dente sa 14 No. 17th St., Brgy. Kalusugan sa lungsod.

Hawak na ng pulisya ang nakabundol na driver na si Percival Agustin, 32, ng Sto. Domingo, Sto. Tomas, Pangasinan.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may 17th St., sa tabi ng Canosian Seminary, Bgy. Kalusugan ganap na alas- 5 ng hapon.

Minamaneho umano ni Agustin ang kanyang To­yota Innova wagon (AEV-386) at tinatahak ang 17th St., mula Broadway Ave­nue patungong Sta Ignacia St. pagsapit sa nasabing lugar ay bigla na lang nabundol nito ang biktima.

Sinasabing tumatawid ang bata nang mabundol ito ng suspect kung saan matapos na tumumba sa kalye ay nasagasaan pa ng kanang gulong ng kotse ng huli sanhi upang matin­ding mapinsala ang kata­wan nito.

Nagawa pang ma­itakbo ni Agustin ang bata sa nasabing ospital ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay.

Show comments