^

Metro

Parak patay sa pagresponde

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang bagitong pulis nang maaksidente sakay ng motorsiklo habang paresponde sa isang krimen, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Nalagutan sa hininga habang inooperahan sa Las Piñas Medical Center si PO1 Louie Laxina, nakatalaga sa Police Com­munity Precinct 6 ng Las Piñas City Police.

Ayon kay Chief Inspector Bernaquiad Abalos, commander ng PCP-6 ng Las Piñas Police, nirespondehan ni Laxina ang natanggap nilang impormasyon dakong alas-3:15 ng madaling- araw hinggil sa nagaganap na nakawan sa Grandeur Marcos Alvarez sakay ng kanyang motorsiklo.

Mabilis umanong tinatahak ng biktima ang kahabaan ng Marcos Alvarez Avenue sa Brgy. Talon 5 nang mawalan ito ng kontrol sa madulas na daan at tuluyang sumalpok sa konkre­tong poste malapit sa Metrocor Town Homes.

Mabilis namang tinulungan ng security guard ng subdi­bisyon na si Rolando Vega, Jr. ang pulis at isinugod sa pinaka­malapit na pagamutan. Dakong alas-6 ng umaga nang ideklara ng mga mang­gagamot ang pagkamatay ni Laxina sanhi ng mga tinamong pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tiniyak naman  ni Abalos na tutulungan niya ang naiwang pamilya ni Laxina na mapabilis ang pagkuha ng mga nararapat na benepisyong tatanggapin ng isang alagad ng batas na nasawi sa pagtupad sa tawag ng tungkulin.

CHIEF INSPECTOR BERNAQUIAD ABALOS

CITY POLICE

GRANDEUR MARCOS ALVAREZ

LAS PI

LAXINA

LOUIE LAXINA

MABILIS

MARCOS ALVAREZ AVENUE

MEDICAL CENTER

METROCOR TOWN HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with