Kelot kumain muna bago nag-suicide

MANILA, Philippines - Kumain muna ng tinapay ang isang hindi nakikilalang lalake at nang mabusog ay saka nagtungo sa tulay at tumalon sa may kababawang ilog sanhi ng kanyang kama­tayan sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Inilarawan ang nasawi na nasa edad na 20-25 anyos, katamtaman ang panganga­ta­wan, may taas na 5’6’’, moreno, at may balat sa ka­liwang dibdib.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Rodrigo Barrameda Jr., ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police (CIDU-QCPD), nang­yari ang insidente sa may Tullahan Bridge sa kahabaan ng  Quirino Highway, Brgy. Nova Proper sa lungsod ganap na alas-12 ng tanghali.

Nauna rito, nakitang bumili muna ng tinapay ang biktima sa nasabing lugar at kumain. Nang mabusog, ayon sa mga nakasaksi, nakita na lang nila itong umaakyat sa concrete railings ng tulay, saka huminto at tuluyang tumalon sa tubig.

Dahil mababaw lamang ang ilog, naging kumplikado ang pagbagsak nito sanhi upang magtamo ng labis na pin­sala ang kanyang ka­tawan. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng nasabing biktima.

Show comments