Kelot binurdahan ng saksak

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang na­matay makaraang burda­han ng sak­sak ng  hindi pa kilalang sus­pek sa  isang tulay ka­hapon sa Quezon City.

Isinalarawan lamang ang biktima na nasa gu­lang 30-35 anyos, may taas na 5’1”-5’3”, kayu­manggi, ka­tamta­man ang panga­nga­tawan, may tribal tattoo sa kaliwang braso, naka-t-shirt na asul, naka-orange na jogging pants at pulang underwear.

Sa paunang pagsisiya­sat ni PO2 Joy Marcelo ng Que­zon City Police Dis­trict-Crimi­nal Investigation and Detec­tion Unit (QCPD-CIDU) naga­nap ang insi­dente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa foot­bridge na nasa tapat ng Gotesco Mall na matatag­puan sa Commonwealth Ave. Brgy. Old Balara sa lungsod.

Napag-alamang nagla­lakad lamang ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek at saka inundayan ito ng mga saksak sa  ka­tawan.

Isinugod naman sa Ge­ne­ral Malvar Hospital ang bik­tima pero idineklara na siyang patay. Hanggang sa kasalu­kuyan, blanko pa rin ang mga awto­ridad kung sino ang sus­pek at ano ang naging motibo sa pama­ maslang sa biktima.

Show comments