Karinderya owner binoga ng kostumer

MANILA, Philippines - Binaril ang may-ari ng isang karinderya ng isang kos­tumer matapos ang mainitang pagtatalo makaraang pinta­san ng huli ang luto na itinitin­dang pagkain ng una, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasa kritikal na kondisyon at inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan ang biktimang  si Henry Pacut, 48, ng Tandang Sora st., Ba­gong Barrio ng lungsod na ito.

Patuloy namang pinagha­ha­nap ang suspect na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang pamamaril.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa karinderya na pag-aari ng bik­tima na matatagpuan sa Biglang Awa St., ng nabanggit na siyudad na doon kumain ang suspect. Ilang subo pa lamang ay nagsimula na nitong pintasan ang lutong pagkain sa karinderya na ikinagalit naman ng biktima at siyang pinagmulan ng ma­initang komprontasyon.

Sa kainitan ng pagta­talo biglang binunot ng sus­pect ang dalang baril at ipi­nutok sa biktima saka mabilis itong tumakas.

Show comments