Kelot todas sa ambush

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang mga suspect, habang nakatayo sa United Nations Avenue sa Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi pa tiyak ng Manila Police District-Homicide Section kung ang nakuhang sedula sa ka­tawan ng biktima na may pangalang Joey Gerry Jordan, ang siyang pagki­lanlan sa nasawi, 5’4 ang taas, may bigat na 57 kilos at address na Jelicuon, Cabatuan, Iloilo City.

Sa inisyal na ulat mala­pitang binaril ang biktima ng suspect sa may UN Ave­nue at kanto ng Perez St. sa Ermita, Maynila, dakong alas-9:20 ng gabi ng Lunes at saka sumakay sa naghi­hintay na di-naplakahang sasakyan at sumibad.

Show comments