SPD may bagong director

MANILA, Philippines - Opisyal nang umupo bilang bagong director ng Southern Police District (SPD) si Chief Supt. Jose Arni Delos Santos matapos na magpa­tupad ng bahagyang pagba­lasa ang Philippine National Police (PNP).

Pinalitan ni Delos Santos si Chief Supt. Jaime Calung­sod na itinalaga naman na director ng Directorate for In­tegrated Police Office-Visa­yas.  Pina­ngunahan ni Na­tional Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pormal na “turn-over cere­mony” ka­ha­ pon ng umaga sa SPD Head­quarters sa Fort Bonifacio.

Sa kanyang talumpati, nagbabala kaagad si Delos Santos na sisibakin niya sa puwesto at irerekomendang maalis sa serbisyo ang sinu­mang pulis o opisyal na masasangkot sa ilegal na droga.

Sinabi rin nito na una niyang pagtutuunan ng pansin ang kampanya laban sa krimen at illegal na droga, ma­liban pa ang pagtutok sa pag­bubukas ng klase sa Hunyo 15 upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga mag-aaral.

Show comments