4 akyat-bahay timbog sa Quezon City

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pamamayagpag ng kilabot na ‘Akyat bahay gang’ matapos na maaresto ng operatiba ang apat sa miyem-bro nito sa isinagawang pagsalakay sa kanilang lungga ilang minuto matapos na pasukin ang isang computer shop sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Romnick Paulino, 22; Alfredo Lacambra, 23; Patrick Cawili, 20; at Jason Borja, 24; mga residente sa Brgy. Pasong Tamo; habang isa pang kasamahan nito ang nakatakas.

Ang pagdakip sa mga suspect ay base sa sumbong ng concerned citizen na nakakita sa panloloob ng mga ito sa isang computer shop na matatagpuan sa 14 Capas Road, Brgy. Holy Spirit na pag-aari ng isang Loida Plazo, 32, ganap na alas-3 ng madaling-araw kamakalawa.

Bukod dito, ang mga suspect din ang nakita ng mga residente na nanloob sa isang cellphone shop sa may Nawasa Road, Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo noong Mayo 28.

Sa pagsisiyasat, ang panloloob ng mga suspect ay ginawa sa pamamagitan ng pagsira sa padlocks ng pintuan ng nasa-bing mga establisimento. Nang makapasok ay saka sinimu-lang limasin ang mga kagamitan sa loob nito.

Show comments