Kapag nagpositibo sa Drug Test: Buong puwersa ng Pasay City Police sisibakin

MANILA, Philippines - Namemeligrong masibak sa puwesto ang buong puwer­sa ng Pasay City Police ka­ugnay ng nabuking na kontro­bersyal na pagkakasangkot ng 13 anti-drugs unit member sa talamak na operasyon ng droga sa lungsod at mga ka­ratig nitong lugar.

Ayon kay National Capital Re­gion Police Office (NCRPO) Chief Director Roberto ‘Boysie’ Rosales, ipasasalang niya sa drug test ang lahat ng miyem­bro at opisyal ng Pasay City Police.

Sinumang lumitaw na po­si­tibo sa drug test ay agad na masisibak sa puwesto.

“Those who will be found positive (drug test) will be meted corresponding sanc­tions, they will be relieved  and will be subjected to summary dismissal proceedings,” anang opisyal.

Ang hakbang, ayon kay Rosales ay upang linisin ang buong puwersa ng Pasay City Police sa naiwang batik sa imahe ng mga ito matapos na 13 pulis mula sa Anti-Drugs Unit ng nasabing himpilan ang lumitaw na tulak at protektor ng droga sa lungsod.

Tiniyak ng opisyal na walang ‘palakasan system’ sa isasagawa niyang hakbang upang kalusin ang puwersa ng Pasay City Police.

Nabatid na sa isinaga­wang serye ng operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ma­raming mga drug pushers ang naaresto sa lungsod ng Pasay kabilang ang ilang pulis na nagmo-moonlighting sa pag­tu­tulak ng droga.

Samantala, ang iba naman ay itinuro ng mga na­sakoteng drug dealers na nagsisilbing pro­tektor ng mga ito kaya’t lu­ma­ganap ang bawal na gamot sa lungsod bunsod upang pu­masok sa eksena ang PDEA operatives.

Show comments