LTO, BIR, at IC magsasanib puwersa vs pekeng insurance
MANILA, Philippines - Magsasanib puwersa ang Land Transportation Office (LTO), Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Insurance Commission (IC) upang sugpuin ang paglipana ng mga pekeng insurance policies na nabibili ng mga motorista gayundin ang paghahabol sa mga buwis na hindi nababayaran ng tama.
Sa pamamagitan umano ng makabagong sistema na Enhanced Certificate of Cover Verification Facility (ECOCVF) ay awtomatikong mabeberipika ang bawat Certificate of Cover (CoC) at mas magiging epektibo ang collection of taxes ng national government sa Compulsory Third Party Liability (CTPL) at Comprehensive Insurance ng mga pampubliko at pribadong sasakyan.
Lumilitaw na umaabot sa P250 million ang nawawala sa gobyerno taun-taon bunga na rin ng paglipana ng mga pekeng insurance policies para sa mga sasakyan.
Sinabi naman ni LTO chief Alberto Suansing, mabilis malalaman ng ECOCVF ang kaukulang buwis na babayaran sa bawat insurance policy na inisyu ng mga insurance companies.
Matatandaang sa pamamagitan ng ginanap na Memoran dum of Agreement sa pagitan ng LTO, BIR at IC noong January 2010 tiniyak ng tatlong ahensiyang nabanggit na mapoprotektahan na ang mga motorista mula sa mga unscrupulous insurance companies at masisiguro na tama ang pumapasok na buwis sa kaban ng gobyerno. Subalit ayon sa isang LTO insider, ilan sa mga insurance companies ang patuloy na gumagamit ng kasalukuyang Cover Authenticating Facility (COCAF) bagama’t nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
- Latest
- Trending