Motorsiklo salpok sa poste, 2 dedo

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay makara­ang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang poste sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Jerick Sacristan, 22, at Johnmer Misi­rus, 22, kapwa ng Brgy. Boto­can, Project 2 sa lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Xavierville Ave­nue, cor. Bocobo St., Brgy. Lo­ yola Heights sa lungsod ganap na alas-3:30 ng madaling araw.

Minamaneho ni Sacristan ang Honda XRM motorcycle (7056-ED) at angkas si Misirus galing sa Katipunan Avenue patungong Cubao nang biglang sumalpok sa poste ng Meralco.

Dahil sa lakas ng impact, na­wasak ang unahan ng motor­siklo at tumilapon ang mga bik­tima sanhi upang mapinsala ng matindi ang kanilang mga ulo at katawan. Kapwa walang suot na hel­met ang mga biktima nang ma­ga­nap ang trahedya.

Show comments