'Kalat mo, linisin mo'

MANILA, Philippines - Maagang nag-umpisang maglinis ng mga kalat na “cam­paign materials” ang Metropo­litan Manila Develop­ment Autho­rity (MMDA) ka­hapon pa lamang ng hapon ka­sabay ng muling panawa­gan sa mga kandidato na magkusa na mag­linis ng sarili nilang mga kalat.

Nagmistulang piyesta dahil sa mga isinampay na mga posters at tarpaulins sa paligid ng mga paaralan na gi­nagamit na “polling precincts” sa Metro Manila habang na­pakakapal rin ng kalat buhat sa mga itinatapon na “sample ballots” na ipinami­ migay ng mga volunteers ng mga kandidato.

Sinabi ni MMDA General Manager Robert Nacianceno na inaasahan nila na tatagal ng dalawang linggo bago tu­luyan nilang malinis ang buong Metro Manila sa mga idinikit at ikinabit na mga campaign materials ng mga kandidato.

Pangunahing tututukan nila ang paglilinis sa pitong pa­ngu­nahing kalsada sa Metro Manila na kanilang prayoridad habang sinabing responsibili­dad na ng mga opisyales ng barangay ang paglilinis sa kani-kanilang mga lugar.   Ipinaliwanag nito na im­por­tante na agad na maumpi­sahan ang paglilinis dahil sa panganib na dulot ng mga na­ka­sabit na posters sa mga poste ng kur­yente at komu­ni­kasyon at prob­lema na magi­ging dulot nito sa pagba­bara ng mga daluyan ng tubig nga­yong papasok na ang tag-ulan.

Show comments