Mister 'na-praning', misis kinatay

MANILA, Philippines - Matinding selos ang nag­tulak sa isang tricycle driver upang masaksak at mapatay niya ang sariling asawa gamit ang jungle bolo sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya ka­hapon.

Si Joanalyn Capilitan, 29, residente sa Upper Banlat Road, Brgy. Tan­dang Sora sa lungsod ay binawian ng buhay habang isinusugod sa Que­zon City General hospital.

Mabilis namang tuma­kas ang mister na suspect na si Victoriano Capilitan, 30, ma­tapos ang ginawang krimen.

Ayon kay PO3 Jaime Ji­mena, imbestigador sa kaso, ang pagiging labis na seloso ng suspect dahil sa naging mapaghinala nito na ang kan­yang asawa ay nangla­lake ang dahilan ng krimen.

Sa pagsisiyasat, nag-ugat ang pagiging seloso ng sus­pect nang magtra­baho umano ito bilang construction worker sa Boracay.

Diumano, dahil malayo sa pamilya na-homesick ang suspect, at lalong nagpalala sa kanyang isipan ang prob­lema nang magkuwento umano dito ang isang kasa­mahan sa trabaho na tinoto­rotot ng kanyang asawa.

Sinabi ni Jimena, base sa kuwento ng nanay ng sus­pect na si Aling Agri­pina, si­mula nang duma­ting ang sus­pect galing Boracay ay naging ma­higpit ang pagba­bantay nito sa kanyang misis at naging seloso.

Nabatid na ang dalawa ay kakakasal lamang noong Nob­yembre 2009.

Samantala, bago na­ganap ang pananaksak, dinala muna umano ang suspect sa psychia­trist dahil sa naging ka­kaiba nitong kilos. Ayon pa kay Ji­mena, ay pinayuhan umano ng doktor si Aling Agripina, na pan­saman­talang ihi­walay ang anak sa kanyang ma­nugang dahil sa posib­leng may ma­samang mang­yari, bagay na lalong ikina­galit ng suspect.

Ayon sa ulat, pasado alas-11 ng umaga, nang mangyari ang insidente, sa loob mismo ng bahay ng mag-asawa. Sa ngayon, patuloy ang pag­tugis ng QCPD sa suspect.

Show comments