Biktima ng salvage natagpuan sa Maynila

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng  20-anyos na lalaki ang na­tagpuang lumulutang sa Manila Bay, sa bahagi ng Tondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Ayon sa pulisya batay sa nakitang mga pasa sa braso at kamay ng bikti­mang si Arturo Palomar, posibleng sinalvage uma­no ito bagamat nag­sasagawa pa ng ma­su­sing imbestigasyon sa insidente.

Una umanong iniulat ng Smokey Mountain-Police Community Pre­cinct ang natagpuang bangkay ng ilang con­cerned citizen dakong alas-3 ng hapon na kini­lala naman ng live-in part­ner nitong si Lysel Satelao.

Bago umano matag­pu­ang patay ang biktima, nagtungo pa ito sa bahay ni Lysel sa Vitas St., Tondo  at may ibinigay lamang na singsing sa ka-live-in at agad ding umalis.

Show comments