Mister patay sa heat stroke

MANILA, Philippines - Hinihinalang heat stroke ang ikinasawi ng 58-anyos na mister habang nagma­maneho ng kanyang sa­sak­yan sa lungsod Quezon kahapon.

Nasawi habang ginaga­mot sa ospital si Arnold Cruz, 58, ng Casiana St. Brgy. Santol sa nasabing siyudad.

Nangyari ang insidente sa may tapat ng #109 J.P. Rizal St. sa kanto ng Rajah­ Matanda St. Brgy. Mi­lagrosa, Project 4 sa lung­sod ganap na alas-9:30 ng umaga.

Nabatid na minama­neho ng biktima ang kan­yang puting L-300 van (VVV-219) nang bigla na lamang huminto ito sa naturang lugar sa hindi malamang dahilan.

Ang biglaang paghinto ay nakita ng mga residente sa lugar na sina Boyet Sal­nallo at Margarito Majuad at inakala nilang tumirik lamang kung kaya’t nila­pitan nila ito para tulungan.

Subalit, laking gulat ng dalawa nang mapuna ang biktima na nakatalungko at wala nang malay dahilan para tumawag agad sila ng responde sa mga awto­ridad.

Hinihinala na tinamaan ng heat stroke ang biktima dahil sa sobrang init ng pa­nahon lalo pa at hindi umano nakabukas ang air­condition ng sasakyan nito.

Show comments