MANILA, Philippines - May 12 fixers sa Land Transportation Office ang inaresto ng pulisya sa pagsalakay kahapon ng hapon sa tanggapan ng LTO sa Quezon City. Ang mga suspek na nakapiit ngayon sa Station 10 ng Quezon City Police District ay kinilalang sina Eduardo Villanueva, 38; Jessie Lopez, 36; Rodolfo Fernandez, 50; Randy Abor, 34; Philip Sabulao, 28; Ramil Morrales, 34; Rober Banares, 28; Reynaldo Imperial, 36; Alex Cabago, 39; Frencisco Anapo, 44; Ferino Mangahas, 68; at Augusto Guirnalda, 51. Ayon kay SPO4 Jorge Villanueva, desk officer ng PS10, ang mga suspect ay inaresto ng tropa ng follow up unit ng QCPD Station 10, base sa utos ni SPO1 Edmund Rizon.