500 student nabigyan ng summer job

MANILA, Philippines - May mahigit 500 mahi­hirap na mag-aaral ng Quezon City government ang nabiyayaan ng may P3.5 milyon halaga ng trabaho ngayong summer para makaipon ang mga ito ng pondo na gagamitin sa kanilang pag aaral sa susunod na pasukan. Sa kabuuang benepisyaryo, ang 262 mag aaral ay na-absorb sa ilalim ng Spe­cial Program for the Em­ploy­­­ment of Students (SPES), isang 20-day summer job appre­ciation program ng pama­halaang lokal ng lunsod sa paki­kipagtulu­ngan ng Depart­ment of Labor and Em­ploy­ment.  

Ang mga SPES trainees ay nagsi­mula sa kanilang trabaho sa ibat ibang departmento sa Quezon City hall noong Abril 19. Ang 272 qualified students naman ay nabig­yan ng trabaho ng city go­vern­ment ngayong sum­mer na benepisyaryo mula sa National Youth Com­mis­sion-sponsored pro­gram. Higit na pinalakas ni Quezon City Mayor Feli­ciano “SB” Belmonte Jr. ang summer job programs bilang isang malaking bahagi ng quality educa­tion services sa mga ka­ ba­taang mag-aaral.

Show comments