Kampo ni Lim umalma sa libelo

MANILA, Philippines – “Hindi porke atleta ay hindi na gumagamit ng ipi­nagbabawal na gamot!

Ito naman ang idiniin ni Ric de Guzman, chief of staff ni Manila Mayor Alfredo Lim, bilang tugon sa libel suit na isinampa ng anak ni dating En­viron­ment Sec­retary Lito Atienza na si Ali laban sa alkalde.

Ang libel suit ay bunga ng pahayag ni Lim na drug addict si Ali.

Inihalimbawa ni De Guzman ang kaso ng da­lawang kilalang boksi­ngero at baseball player na napatunayang guma­gamit ng ipinagbabawal na gamot kaya hindi umano dapat na mag­malinis si Ali na atleta ito at hindi gumamit ng gamot.

Ayon kay   De Guz­man, ipinagkibit balikat lamang ni Lim ang pag­sa­sampa ng kaso ni Ali kasabay ng pahayag na handa naman siyang harapin ang anumang kaso na ipaghaharap sa kanya.

Ipinaliwanag ni De Guzman na nai-quote lamang ni Lim   si dating Vice Mayor Danny La­cuna na taong 2007 nang ma-confine para sa re­habilitasyon sa base­ment ng Makati Medical Center sa loob ng da­lawang taon si Ali bunga ng nervous break­­down.

Show comments