Ginang tinodas dahil sa kawali

MANILA, Philippines – Namatay ang isang ginang nang pagsa­sak­sakin ng isang 16-anyos na dalagita na nairita sa ginawang pagkompronta sa kan­yang nakababa­tang ka­patid kaugnay sa hindi umano pagsosoli ng hiniram na kawali, sa Ermita, Maynila kamaka­lawa ng gabi.

Wala nang buhay nang maipasok sa Ospi­tal ng Maynila ang bikti­mang si Anabelle Ber­nales, parking attendant, ng 1314 Guerrero St., Ermita sanhi ng mga tama ng saksak sa kan­yang katawan.

Tinutugis pa ang sus­pek na iti­nago sa pa­nga­lang Me­lissa, ng Bagong Silang, Calo­ocan City.

Sa ulat ni Det. Jaime Gonzales Jr. ng Manila Police District-Homicide Section, dakong-11 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng Amazonia Bar and Res­taurant sa 1402 M.H. Del Pilar , corner Sta. Monica sts., Ermita.

Nabatid na pinaga­litan ng biktima ang naka­babatang kapatid ng sus­pek na si “Grace” (hindi tunay na pangalan) dahil hindi umano isinoli ka­agad ang kawaling hiniram.         

Agad namang nag­sum­bong sa suspek si Grace na masasakit na salita umano ang binita­wan ng biktima sa pani­nita sa kaniya kaya su­mu­god ang suspek.

Sa salaysay ng testi­gong si Luzviminda Vic­tao, nakita na lamang niya na hinahabol ng sus­pek ang duguang biktima habang bitbit ang isang kutsilyo.

Tumakas ang suspek pagkatapos ng krimen.

Show comments