^

Metro

TUMALON MULA SA BUBONG: Probinsiyana naburyong dahil sa gutom

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang probinsyana na nagtamo ng pinsala sa mukha at katawan makaraang tumalon sa may 15 hanggang 20 talampakan taas para magpakamatay bunga ng pagkagutom at desperasyon sa buhay sa lungsod Quezon, kahapon.

Si Divina Bulasa, tubong buhol ay nilalapatan ngayon ng lunas sa East Avenue Medical Center sanhi ng matinding sugat sa mukha at pagkabali ng kanyang braso.

Ayon sa ulat, si Bulasa ay isinama ng hindi nakikilalang lalake sa Manila, ngunit iniwan din dito ng mag-isa sanhi upang sumablay ito sa pagkain.

Dahil dito, naging aburido sa buhay ang biktima at nakadagdag na rito ang hindi pagkain ng ilang araw. Ayon pa sa ulat, bago ginawa ng bik­­tima ang pagtalon ay nag­laslas muna ito ng kanyang kanang pulso, ngunit agad na natulungan ng ilang residente at nalapatan ito ng lunas.

Base  sa ulat, nangyari ang pagtalon ng biktima sa may bubungan ng Sprinter motorshop sa panulukan ng Tomas Morato at E.Rodriguez Sr. ave., Brgy. Mariana, sa lungsod, ganap na alas- 7 ng umaga.

Ayon sa barangay opisyal sa lugar, bago nito, nakita nila ang biktima na patakbu-takbo sa kalye hanggang sa umak­yat sa bubungan ng nasabing talyer.

Dahil sa nakita nilang kaka­ibang gagawin ng biktima ay agad nila itong inakyat at kinausap ng mahinahon para bumaba, hanggang sa humi­ngi umano ito ng pagkain dahil nagugutom.

Ngunit habang inaabot ng nagmamalasakit na isang residente ang isang sandwich sa biktima, bigla na lamang tumalon ito, matapos na ma­gulat umano sa isang lalake na bigla na lang umakyat para tumulong sa rescue operation.

Sa pagbagsak, unang tumama ang mukha ng bik­tima sa semento bago ang katawan kung kaya agad nila itong itinakbo sa nasabing ospital kung saan ito  naaga­pan ng mga doktor.

Dahil walang kakilala ang biktima at naging pagala-gala sa Manila ay ilang araw na rin itong hindi kumakain kung kaya tinangka na nitong mag­pakamatay.

AYON

BIKTIMA

BRGY

BULASA

DAHIL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

RODRIGUEZ SR.

SHY

SI DIVINA BULASA

TOMAS MORATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with