Diskriminasyon sa permit ibabasura ni Mercado
MANILA, Philippines - Ibabasura ni Vice Mayor and mayoral candidate Ernesto Mercado ang polisiyang ipinatutupad sa pagkuha ng business permit sa Makati City hall dahil sa diskriminasyong nagaganap sa mga investor at business establishment.
Ito ang pangako ni Mercado sanhi nang tinatanggap nitong reklamo mula sa ilang insurance companies sa business permit office ng city hall dulot ng ipinatutupad nitong diskriminasyon na kung saan ay sapilitang pinakukuha ang mga taxpayer ng insurance policies sa hawak nilang kompanya.
Nabatid ni Mercado na inirereklamo ng insurance companies ang implementasyon ng Ordinance 2001-103 na kung saan, kailangang kumuha ng akreditasyon ang isang insurer subalit, hindi sila makapamili dahil limitado ito sa hawak nilang kompanya.
Dahil dito, personal umano niyang pangangalagaan kung sino ang karapat-dapat at kuwalipikadong mamumuno sa business permits office upang masigurong maipatutupad ang repormang nais niyang mangyari para mahiyakat na muling bumalik sa lungsod ang mga investor at mapigilan ang ilan pa ng nagpaplanong lumipat ng lugar.
- Latest
- Trending