2 kelot niratrat, todas sa Quezon City

MANILA, Philippines - Patay agad ang dalawang lalaki matapos na tad­tarin ng bala ng hindi matukoy na mga salarin kama­kalawa sa Quezon City.

Magkahiwalay na natagpuang patay ang mga biktimang sina Junel Emberga, 33, pintor; at George Santos, 36, kapwa residente sa HOA Riverside St., Unit III, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Mabilis namang nagsitakas ang mga salarin matapos ang isinagawang krimen.

Naganap ang insidente sa may eskinita ng HOA Riverside­ St., ng nasabing lugar ganap na alas 11 ng gabi makaraang pumarada ang motorsiklo ng dalawang biktima nang paulanan ng bala.

Natadtad ng bala ang katawan ng mga biktima na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng onsehan sa droga ang pinag-ugatan ng naganap na krimen, gayunman nagsasagawa pa rin ng imbes­tigasyon ukol dito.

Show comments