Junk shop ng Bise naabo

MANILA, Philippines - Naabo ang junkshop na pag-aari ng bise-alkalde ng Pateros maka­raang sumiklab ang may 15 minutong sunog, ka­makalawa ng gabi.

Bagaman walang na­sawi o nasugatan sa in­sidente, tinatayang aabot sa mahigit P2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy sa apat pang kaba­hayan sa Musni St., Brgy Sta. Ana sa naturang munisipa­lidad.

Nagsimula ang sunog dakong alas-6:01 ng gabi sa loob ng junk shop na pag-aari ni Vice Mayor Jojo Sanchez sa hindi pa mabatid na dahilan. Dahil sa bilis ng paglaki ng apoy, wala halos naisal­bang gamit ang walong pamilyang nawalan ng tirahan.

Tiniyak naman ng bise alkalde na tutulu­ngan niyang makaba­ngong muli ang mga naapektu­ hang pamilya na binigyan ng pansa­mantalang ma­tutuluyan sa covered court ng natu­rang baran­gay.

Show comments