13-anyos lunod sa Manila Bay

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng isang 13-anyos na binatilyo nang maunang mag-dive sa Manila Bay at magkauntug-untog nang bag­sakan siya ng mga sumunod pang nag-dive na kasamahang kabataan, malapit sa Pier 16, sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Narekober ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng biktimang si Jelo Nepomuceno ng Inocencio corner Velasquez Sts., Tondo dakong alas-11 kamakalawa ng gabi, ilang oras ma­tapos­ itong malunod sakop ng Happy Land, Tondo. Dakong alas-6 kama­ kalawa ng umaga nang magkakasamang maligo ang bik­tima at pito pa nitong mga kaibigan sa nasabing lugar. Una umanong nag-dive sa tubig si Jelo at sumunod naman ang isang kasamahan nito subalit tinamaan umano nito ang ulo ng una na hindi naman pinansin ng huli. Nagkasunud-sunod na nagtalunan ang iba pang kasamahan na posibleng tumama muli sa ulo ng biktima na naging dahilan upang mahilo ito at tuluyan nang lumu­bog, na lingid sa ka­alaman ng mga kasamahan. Dakong alas-11 ng gabi nang mare­kober ang katawan ng biktima ng frogmen ng PCG. 

Show comments