Antas ng pamumuhay ng Manilenyo dapat maiangat

MANILA, Philippines – Nangunguna sa lista­han ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Jose “Lito” Atienza Jr. ang pagkakaloob ng hanap­buhay, negosyo at iba pang oportunidad pangka­buhayan sa kanyang na­ sa­sakupan upang iangat ang antas ng pamumuhay ng mga Manilenyo, parti­kular ang mga maralita.

“Together, we can improve the quality of life of the people of Manila,” ani Atienza, na idiniin ang halaga ng pagkakaisa tungo sa pag-unlad.“ Matu­tulungan natin ang maliliit sa pamamagitan ng pagbi­bigay ng lisen­sya sa mga vendors, pedicab at tricycle drivers upang mawala na nang tuluyan ang mga iligal na kolek­syon o ‘kotong,’ dagdag ng dating kalihim ng DENR.

Prayoridad din nito ang programang pangka­lu­sugan, pang-edukasyon at pangkatahimikan, pang- kalikasan, at mga hak­bang upang mapa­inam ang katayuan ng mga senior citizens.

Isusulong din ni Atienza ang pagpapa­yabong ng sining, kul­tura at pala­­kasan.

Show comments