^

Metro

Number coding suspendido simula ngayon

-

MANILA, Philippines - Suspendido simula sa araw na ito (Martes) ang “unified vehicular volume reduction pro­gram o number coding” ng Met­ro­­politan Manila De­velopment Authority (MMDA) para sa Se­mana Santa.

Sinabi ni MMDA Chair­man Oscar Ino­centes na ito’y upang bigyang daan ang ina­asahang paglabas sa Metro Manila ng libu-libong motorista na uuwi sa kanilang probinsya ngayong Holy Week.

Kaisa rin ang MMDA sa taunang “Oplan Semana­ Santa” ng pa­ma­halaan na pinangu­ngu­na­han ng Depart­ment of Transportation and Com­munications (DOTC), katuwang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philip­pines (AFP) at iba pang ahensya ng pama­halaan.

Magtatalaga ng higit 1,000 traffic enforcers ang MMDA sa mga pa­ngunahing lansangan sa Metro Manila parti­kular sa EDSA at sa iba pang “exit points”.

Nananawagan na­man ang MMDA sa pa­mu­nuan ng North Luzon Expressway at South Luzon Express­ way na magdagdag ng tauhan para mango­lekta ng toll fee lalo na sa rush hour upang hindi humaba   ang pila at makaapekto sa ibang mga kalsada ang trapik. (Danilo Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIP

DANILO GARCIA

HOLY WEEK

MANILA DE

METRO MANILA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

OPLAN SEMANA

OSCAR INO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with