3 suicide naitala sa MM

MANILA, Philippines - Tatlong magkakasu­nod na suicide ang na­itala ng pulisya sa mag­ka­kahi­walay na lugar sa Maynila, Las Piñas at Navotas.

Sa San Andres, May­nila, isang 26-anyos na la­laki na nakilalang si Christian del Rosario ang nagbigti matapos umano na hindi matanggap ang pag-iwan sa kanya ng kan­yang ka-live-in at isina­ma pa ang kanilang 5-an­yos na anak kahapon ng ma­da­ling-araw.

Natagpuan ang isang suicide note ng paghingi nito ng patawad sa kan­yang ama at paghaha­bilin na rin sa kanyang naiwa­nang anak.

Samantala, dahil uma­no sa sama ng loob ma­tapos makasagutan ang kanyang ama dahil sa prob­­lema ng pamilya, isang 19-anyos na da­laga ang na­sawi nang lumagok ito  ng isang bote ng silver clean­ing solution sa Navo­tas City, kahapon ng umaga.

Patay na nang idating sa Tondo Medical Center si Kimberly Anes, 19, ng Phase 1, North Bay Blvd. South ng lungsod.

Nabatid na alas-2 ng ma­daling-araw, narinig nang mga kasambahay ng biktima ang paghingi nito ng tubig at nang tingnan ay nag­su­suka na ito. Isang bo­telya ng silver cleaning solution ang nakita sa tabi ng biktima.

Sa Las Piñas nasawi rin si Chua Bun Tiong, ng Real St., Brgy. Talon 1, ng na­banggit na lungsod ma­tapos itong magbigti.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang nasawi ng kanyang anak na si Marieta Be­nito, 44, mismo sa loob ng kuwarto nito sa na­banggit na lugar. Kawad ng kur­yente ang ginamit nito sa pagbibigti.

Hinihinalang matin­ding sakit na nararamda­man matapos sumailalim sa isang operasyon ang po­sibleng nagtulak dito kaya nagawa ang pagpa­pa­kamatay.

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa tatlong kaso ng sui­cide para matiyak na walang naganap na foul play sa mga insidente.

Show comments