'Thrill killer' tugis

MANILA, Philippines - Kabilang na ngayon sa “most wanted” ng Paraña­que City police ang isang lalaking sinasabing “thrill killer” ma­karaang manak­sak at maka­patay ng kapit­bahay, kamaka­lawa ng gabi sa Parañaque City.

Nakilala lamang ang naka­takas na suspek sa alyas na “Bentot o Benny”, at pansa­man­talang nanira­han sa Pe­tonia Extension, Lupang Pangarap, Brgy. San Dionisio, ng naturang lungsod.

Nakilala naman ang pi­nakahuling   biktima nito na si Mark Christian Pabua, pintor, re­sidente rin ng na­tu­rang lugar. Hindi na ito umabot ng buhay sa Flo­rencio Bernabe Hospital dahil sa saksak sa dibdib.

Sa ulat ng pulisya, na­ga­nap ang krimen dakong alas-6:30 ng gabi sa kaba­haan ng Petonia Extension ilang metro lang ang layo ng bahay ng biktima.  Sinabi ng mga ka­anak ni Pabua na lumabas ito ng bahay upang bumili ng sili hanggang sa mabalitaan nilang nasaksak na ito.

Ayon sa mga saksi, wala umanong dahilan nang bigla na lamang sak­sakin ng suspek si Pabua bago ito mabilis na tumakas.

Base pa sa imbestigas­yon, sinabi ng mga resi­dente na may mga balita na marami nang nasaksak at napatay ang suspek sa hindi mabatid na mga dahilan kaya palipat-lipat ito ng tirahan. 

Ilan sa mga ito ay pi­nagtitripan lamang umano ng suspek lalo na kapag lango ito sa ilegal na droga.

Show comments