Fire safety awareness umarangkada

MANILA, Philippines - Kasabay ng paggunita ng Fire Prevention Month, pinangunahan ni Txtfire Philippines founder Gerry Chua aka Mr. Ube at libong mga fire volunteers at mga empleyado mula sa mga government agencies at civic organiza­tions ang motorcade upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa pagbuo ng fire safety aware­ness. 

Ang motorcade na nila­hukan din  ng Bureau of Fire Protection, Metro Ma­nila Development Authority at ng Philippine National Red Cross kasama ang may 122 firetrucks at am­bulances upang ipakita ang kanilang suporta sa pro­ yekto. Ayon kay Chua, na 31 taon ng fire volun­teer kailangan pa ang tamang pagpaplano at pagsasa­nay bilang paghahanda sa oras ng sunog. Aniya, ma­laki ang maitutulong ng fire drills upang makatakas ng ligtas at mabilis sa lugar na na­susunog. (Doris Franche)

Show comments