MANILA, Philippines - Pinaghahanap pa ng pulisya habang isinusulat ito ang may 20 kalalakihan na responsable sa pagkamatay ng isang lalaki at pagkasugat ng limang iba pa matapos ang rambulan sa isang terminal ng bus sa A.H. Lacson st., Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang nasawing si Edgar Hernandez, 45, helper, walang permanenteng tirahan. Siya ay idineklarang patay sa United Doctor’s Medical Center ilang oras matapos magtamo ng mga saksak sa katawan.
Ang limang sugatan ay kinilalang sina Jemar Pernanda, 36, guwardiya, ng Florida Bus Terminal, Sampaloc, Maynila, na ginagamot sa Orthopedic Hospital dahil sa tinamong bala sa kaliwang tuhod; Albert Badocdoc, residente ng no. Barangay Manresa, Quezon City, na ginagamot sa Ospital ng Sampaloc bunga ng mga hiwa ng pa talim sa ulo; Oscar Bensa Sr., 69, pedicab driver at residente ng Sampaloc at Oscar Bensa Jr, 35, tricycle driver, na nagtamo ng maraming tama ng saksak at kasalukuyang ginagamot sa UST Hospital.
Kabilang din sa nagtamo ng maraming saksak sa katawan sina Salvador Aguas, 43, may-asawa at kuliglig driver at residente ng Sampaloc na tadtad din ng sugat bunga ng mga tina mong saksak sa katawan.
Pinaghahanp pa ang may 20 kalalakihan na nasa edad 20 hanggang 25 anyos, armado ng mga patalim at mga baril, sakay ng apat na scooters at isang pampasaherong dyip.
Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:00 ng madaling-araw kahapon nang maganap ang insidente sa terminal sa Barangay 460, Zone 42,
Sa naging pahayag ng saksing si Carmelita Bensa, 23, ng Sampaloc, Maynila, ang mga suspek ay maari niyang makilala kung muling makikita.
Nagsimula ang riot nang ang dalawa umano sa suspek ay nakasagutan ang biktimang si Aguas, ang kuliglig driver na dinamayan ng isang Alvin hanggang sa bugbugin ng isa si Aguas, mabilis na lumayo ang dalawang suspek at nagbanta na reresbak. (Ludy Bermudo)