^

Metro

Peace Covenant signing ng mga kandidato sa Quezon City inilunsad

-

MANILA, Philippines - Upang maitaguyod ang mini­mithing maayos at tahimik na eleksyon sa lungsod Que­zon, nagsagawa kahapon ng peace covenant sign­ing ang pamunuan ng Que­zon City Police District (QCPD) na ginanap sa Sulu Hotel.

Ayon kay Chief Supt. Elmo San Diego, QCPD director, ipi­­natawag nila ang peace covenant signing upang bigyang-diin sa mga kandi­dato na tumatakbo sa iba’t ibang posisyon sa lungsod sa kanilang tungkulin at respon­sibilidad para sa mapayapa at credible na eleksyon.

Nakiisa sa nasabing ha­ngarin si Mayor Sonny Bel­monte, kasama sina NCRPO chief Director Roberto Ro­sa­les at Police Deputy Di­rector General Jefferson Soriano.

Kabilang din sa nakiisa sina Atty. Ronald Allan Sindo, chairman ng Joint Security Control Center at Election Office IV, 1st District Quezon City; at Bro. Johnny Cardenas ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Sa pamamagitan ng pu­ting board na nakalagay ang mga alituntunin tungkol sa mapayapang election, sama-samang pumirma ang mga nabanggit na opisyal ng PNP at PPCRV kasama ang mga kandidato sa lokal na posis­yon sa lungsod. (Ricky Tulipat)

CHIEF SUPT

CITY POLICE DISTRICT

DIRECTOR ROBERTO RO

DISTRICT QUEZON CITY

ELECTION OFFICE

ELMO SAN DIEGO

GENERAL JEFFERSON SORIANO

JOHNNY CARDENAS

JOINT SECURITY CONTROL CENTER

MAYOR SONNY BEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with