^

Metro

Mga gusali sa Maynila ligtas daw sa lindol

-

MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na ligtas sa lindol ang mga gusali sa lunsod maging yaong condenado.

   Ang paniniyak ay ginawa ni Engr. Melvin Balagot, City Chief Building Official, kasu­nod na rin ng pangamba at ulat na madaling pabagsakin ng lindol ang mga gusali sa lungsod.

Iginiit ni Balagot na nag­sasagawa sila ng regular na inspeksiyon sa mga gusali upang malaman kung ang mga ito ay sumusunod sa regulasyon ng city hall.

Ayon kay Balagot, taun-taon ay iniinspeksiyon nila ang mga gusali sa lungsod upang malaman kung ang mga to ay nag­karoon ng sira o anumang bitak na posibleng maging panganib sa publiko.

Sakali anyang ideklarang kondenado ang isang gusali, agad nila itong irerekomenda sa may-ari kasabay ng ka­nilang koordinasyon sa De­part­ment of Public Works and Highways.

Kung hindi pumayag ang may-ari na gibain ang gusali, siya ang mananagot kung magkaproblema at sakuna sa mga maaapektuhan. (Doris Franche)

AYON

BALAGOT

CITY CHIEF BUILDING OFFICIAL

DORIS FRANCHE

GUSALI

IGINIIT

MELVIN BALAGOT

PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with