Kelot tinodas ni alyas Garapata

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang lalaki makaraang sunud-sunod na kadyutin ng saksak ng isang kilabot na siga kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. 

Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Maca­pagal Memorial Medical Center ang biktimang si Ronald Manalo, 31-anyos, binata, at naninirahan sa C. Name Street ng naturang lungsod.

Nakilala lamang ng pulisya ang suspek sa alyas na Garapata na ma­bilis na tuma­kas matapos ang krimen. Nagla­lakad si Manalo nang biglang hara­ngin ng sus­pek at agad na inunda­yan ng saksak. (Danilo Garcia)

Show comments