Dalagang may ulcer natagpuang patay sa bus

MANILA, Philippines - Hindi na nakayanan umano ng isang 33- anyos na dalaga ang dinadalang sakit na ulcer na siyang ugat upang masawi ito ha­bang bu­mibiyahe sakay ng isang bus galing ng Ilo-Ilo patu­ngong Cubao, Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Ang biktima ay kinila­lang si Anadilla Monares ng # 143 M. Dr. Sixto Antonio­ Avenue, Ro­sario, Pasig.

Ayon kay PO3 Jose­lito Gagaza, may-hawak ng kaso, si Monares ay natuklasang wala nang buhay ng kanyang pin­sang si Baltazar Mona­res sa loob ng Valisno Express bus habang naka­parada sa isang terminal sa Cubao ban­dang alas-3:00 ng ma­daling-araw.

Sinabi ni Baltazar na kapwa sila pasahero ng nasabing bus nang, pagsapit nila sa terminal at tangkain niyang gisi­ngin ang kanyang pin­san para bumaba, hindi na ito kumikibo hang­gang sa malamang wala na itong buhay.

Ayon naman sa ka­patid ng biktima na si Nelia Monares, may sakit umano ito na ulcer. (Ricky Tulipat)

Show comments