2 'Akyat-bahay' todas sa shootout

MANILA, Philippines - Dalawang kilabot na magnanakaw ang nasawi makaraang makipag­ba­rilan sa mga tauhan ng pu­lisya matapos na manloob sa isang bahay, kama­ka­lawa ng gabi sa Taguig City.

Isa sa mga suspek ang nakilalang si Rolando Lanzar ng Makati City, habang inilarawan naman ang isa pang nasawi na may suot na abuhing t-shirt na may tatak na bandila ng Estados Unidos, itim na maong na pantalon, at itim na bag at itim na tsinelas.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-5 ng hapon nang pasukin ng dala­ wang sus­pek ang bahay ng isang Rodolfo Gero­nimo, 67, sa Nightingale St., Bay Breeze, Brgy. Hagonoy, Taguig City. Itinali ng mga suspek si Geronimo sa pamama­gitan ng charger ng cell­phone at saka tina­ngay ang mga mahahala­gang gamit nito. Tinangay rin ng mga suspek ang kuwintas ng kapitbahay na si Arturo Ginez, na duma­law sa bahay ni Geronimo saka tumakas lulan ng isang Toyota Revo (WMX-753).

Habang binabagtas naman ang kahabaan ng ML Quezon St., Hagonoy, Taguig, nabangga ng sa­sakyan ng mga suspek ang ilang sasakyan na itinawag naman ng mga driver sa pulisya. Dito ru­mesponde ang mga ta­uhan ng Police Community Precinct 4 ka­sama ang mga barangay tanod na nakipaghabulan sa mga suspek.

Inabandona naman ng mga suspek ang kanilang sasakyan at sapilitang inagaw ang motorsiklo ni Rolando Onay na kani­lang minaneho hanggang Dream­land Subdivision, Hagonoy, Taguig. Dito bi­nangga ng mga barangay tanod lulan ng isang kotse ang motorsiklo sanhi upang sumemplang ito. Sa kabila nito, nagawa pa ring hagisan ng granada ng mga suspek ang mga aw­to­ridad kung saan gumanti naman ng putok ang mga pulis sanhi ng kamatayan ng mga sus­pek.

Narekober sa poses­yon ng mga nasawing sus­pek ang isang kalibre .45, isang kalibre .38, at ang mga ma­hahalagang gamit na tina­ngay sa bahay ni Geronimo.

Show comments