Shootout: 2 holdaper tumba

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan ang ini­ulat na nasawi maka­raang makipagbarilan sa mga tauhan ng pulis-Makati kamakalawa ng gabi sa Barangay Bangkal, Makati City.

Patuloy na bineberipika ang pagkikilanlan ng da­lawa kung saan inilarawan nasa 20 hanggang 30-anyos, may taas na 5’2’’ hanggang 5’4”, katamta­man ang katawan habang ang ikalawa ay may edad na 40 hanggang 50-anyos, nasa 5’4”-5’6”, at may pangangatawang payat.

Samantala, isa sa da­lawang holdaper na naka­takas ay nakilalang si Rey­naldo Macario na naha­harap sa iba’t ibang kaso.

Nabatid na naispatan ng pulisya ang tatlong suspek sa aktong binibik­ tima si Reggie Anihal kung saan tinangay ang cell­phone nito at pera ma­tapos holdapin sa panulu­kan ng South Superhighway at Capinpin Street sa Brgy. Bangkal.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga pulis kung saan nagkaputukan kung saan bumulagta ang da­lawa habang nakatakas naman ang dalawang iba pa sakay ng puting Nissan Sentra (WJD-971).

Natagpuan naman ang sasakyan na inabandona sa may Rivera St. sa Bac­la­ran, Parañaque City kung saan may bahid ng dugo na palatandaang sugatan ang dalawa na sinasabing miyembro ng kilabot na grupong Sako Gang.

Show comments