Chinese New Year, dinagsa ng mga kandidato

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Ma­nila Mayor  Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno ang ma­kulay ang pagdiriwang ka­hapon ng Chinese New Year sa Chinatown, Binondo, Maynila.

Isinagawa ang tradisyu­ nal na parada  at dragon dance kasabay ng pama­mahagi ng ‘ampao’ sa publiko.

Hindi naman naiwasang mahaluan ng political rally ang selebrasyon  matapos na lahukan ng ilang mga kan­didato sa pagka-senador.

Tulad na rin ng naka­sanayan, dagsa ang benta­han ng  mga lucky charms at tikoy na sinasabing pampa­suwerte sa bahay.

Isang programa rin ang ginanap dakong alas-5 hang­gang alas-7 ng gabi sa Plaza Lorenzo Ruiz, Bi­nondo. (Doris Franche)

Show comments