Motels, hotels, apartelle imo-monitor ngayong Valentine

MANILA, Philippines - Kaugnay na rin sa nala­lapit na Araw ng mga Puso, mahig­pit ang isinasagawang monitor­ing ng pamahalaang lung­sod ng Maynila sa mga motel, hotel at apartelle upang ma­iwa­sang magamit ang mga ito sa anu­mang uri ng prostitution at pag­laganap ng  iba’t ibang sakit.

Ayon kay City Administra­tor Jesus Mari Marzan, ka­ilangang maging mahigpit ang mga motel owners upang ma­bigyan ng pro­teksiyon mula sa mga Sexually Transmitted Disease (STD) at Acquired Immune Deficiency Syn­drome (AIDS) ang mga papasok o magtse-check-in sa mga motel, hotel at apar­telle sa lungsod ng Maynila alin­sunod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Sinabi ni Marzan na isa sa mga paraan na maaaring gawin ay ang paghingi ng mga Identi­fication Card sa mga magtse-check-in upang masiguro na walang mga menor-de-edad na makakalagpas. Dapat din uma­nong maging responsable ang mga kostumer at ang mga ma­nagement ng mga ganitong establisimento.

Hindi rin umano dapat na kun­sintihin ng mga negosyante at may-ari ng mga motel, hotel at apartelle ang mga basta na lamang pagpapasok ng mga menor-de-edad para lamang kumita. Aniya, mas dapat na pa­iralin ng mga ito ang moralidad at pag­bibigay proteksiyon sa mga kostumer upang ma­iwasan din ang pagkalat ng mga sakit kabilang ang mga STD at AIDS. (Doris Franche)

Show comments