P16 milyon pekeng Crocs products nasamsam ng NBI

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga ahen­te ng National Bureau of In­ves­tigation (NBI) ang mga pekeng produktong Crocs na nagkaka­halaga ng P16 milyon sa isina­gawang raid sa May­nila, San Juan at Manda­lu­yong City.

Ang raid ay isinagawa base sa reklamo ni Atty. Ray­­mond Roland Rojas ng Reyes Cab­rera Rojas & Associates na siyang nag-represent sa Crocs Inc.

Kabilang sa mga ni-raid ang Jet Footwear na mata­tagpuan sa Juan Luna st. Bi­nondo, Maynila na uma­no’y pag-aari ni Felimon Chong at Cita Evar­done, Tokyo Hanna General Mer­­chandise at iba pang stalls na matatagpuan sa Green­hills Shopping Center sa Green­hills, San Juan at  St. Francis Square mall sa Man­­daluyong City.

Base sa ulat na nakara­ting kay Atty. Dante Bonoan, chief ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD), uma­abot sa 6,369 piraso ng mga assorted na tsinelas at iba pang pro­dukto ng Crocs ang ka­ni­lang nakum­piska na nag­ka­kahalaga ng P15,922.500.

Ang pagsalakay ay base sa bisa ng search warrants na inis­yu ni Judge Antonio Eugenio Jr. ng Manila Re­gional Trial Court (RTC). Nahaharap naman sa ka­song paglabag sa intel­lectual property rights ang mga may-ari ng na­sabing establisi­mento. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments