MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Arturo Lomibao sa lahat ng tauhan nito nationwide laluna sa law enforcement units ng ahensiya na huwag hulihin ang mga sasakyan na ang plaka ay nagtatapos sa numero 1.
Sa ipinalabas na memorandum order ni Lomibao sa kanyang mga tauhan na huwag hulihin at huwag pagmultahin ang mga driver at owners ng mga sasakyan na may car plate ending 1 dahil sa kakulangan na rin ng ahensiya ng 2010 stickers at year tags.
Sinabi ni Lomibao na biglaan ang pagtaas ng bilang ng mga nagrehistrong mga sasakyan sa pagpasok ng taong 2010 kaya’t nagkulang sila ng documented forms tulad ng stickers, tags gayundin anya ng or/cr.
Tiniyak naman ni Lomibao na sa Pebrero 8 ay babalik na sa normal ang sitwasyon ng mga kailangang dokumento sa LTO dahil darating na sa araw na ito ang request nilang documented forms ng ahensiya. (Angie dela Cruz)