MANILA, Philippines - Isang 31-anyos na sabungero na si Alberto Bancalem ang pinagbabaril at napatay ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki sa loob ng kanyang tindahan sa Bldg. 14, Temporary Housing Unit, Tondo, Manila kamakalawa ng gabi. Hinihinalang ginantihan si Bancalem ng ilan niyang nakapustahan sa sabong dahil sa pagtanggi niyang bayaran ang mga tumalo sa kanya rito. (Ludy Bermudo)