Protest caravan vs RFID, umarangkada

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng isang ma­ lawakang kilos protesta ang ibat ibang grupo sa hara­pan ng gusali ng Department of Trans­portation and Com­munication (DOTC) upang kondenahin ang ahensiya at ang Land Trans­portation Of­fice (LTO) kaugnay ng gina­wang pag-implementa sa Radio Frequency Identifica­tion Device (RFID) para sa lahat ng irerehistro ­sa LTO.

Mula sa Quezon City Circle, sinimulan   ang protest caravan sa kahabaan ng East Avenue at Edsa papun­tang DOTC office sa Mandaluyong City ng mga kasapi at opis­yales ng Pinagka­isang Sama­han ng mga Tsuper at Ope­rators Nationwide (PISTON), Proton na kinabi­bilangan ng jeepney drivers at operators , Bangon Transport na kinasa­sapian ng mga truckers, taxi, tricycle, bus at jeep gayun­din ang Bayan Muna, Gabriela na pinangu­nahan ni Rep Liza Masa, Anakpawis at Private Motorist Againts RFID para tuligsain ang DOTC at LTO sa naturang hakbang .

Sa ginawang protesta sa DOTC, binanggit ni Goerge San Mateo, secretary general ng Piston na illegal, un­cons­titu­tional, money making at dagdag pahirap lamang ang naturang hakbang at walang legal na aksiyon hinggil dito ang National Economic Deve­lopment Autho­rity (NEDA).

Sinabi naman ni Liza Masa, na may naisampa na siyang resolusyon sa Kon­greso para imbestigahan ang legalidad ng RFID. Hinimok din ni Masa ang taumbayan laluna ang mga mo­torista na huwag munang mag­bayad ng RFID fee kung mag­paparehistro dahil hindi pa tapos ang usapin hinggil dito.

Sa panig naman ng DOTC, sa isang panayam, sinabi ni DOTC Spokesman Thompson Lantion na na­ipaalam ng LTO sa NEDA ang usapin tungkol sa RFID pero hindi nila alam kung anu ang desisyon hinggil dito bagamat naipatutupad na ang pagko­lekta ng RFID fee sa mga mo­torista kapag nagrehistro ng sasakyan sa LTO. (Butch Quejada at Angie dela Cruz)

Show comments