Naningil sa upa, Kasera utas sa boarder

MANILA, Philippines - Buhay ang naging ka­palit ng paniningil ng isang 51-anyos na babaeng ka­sera sa isa niyang boarder nang pagsasaksakin siya nito kamakalawa ng gabi sa Barangay San Jose, Na­votas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang na­kila­lang si Ely Arma ng Bagong Silang Street, Barangay San Jose.

Tumakas naman bitbit ang patalim na ginamit sa krimen ang suspek na nakilalang si Lito Labitas, 37 anyos.

Sa ulat ng Navotas Police­, naganap ang kri­men dakong alas-7:00 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima. Nabatid na sini­singil umano ng biktima si Labitas sa renta nito sa inuupahang kuwarto na matagal nang atrasado nang tumanggi ang suspek at nauwi sa pagtatalo.

Dito kumuha ng patalim ang suspek at sunud-sunod na undayan ang biktima bago mabilis na tumakas.

Show comments