Bureau of Fire, umalerto sa sunog

MANILA, Philippines - Beinte-kuatro oras na mag­babantay ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang mabilis na ma­kaaksyon sa posibleng ma­ganap na sunog sa pagse­selebra ng Bagong Taon mamayang hatinggabi.

“Walang maglalasing, walang iinom,” ,ito ang paalala ni National Capital Region-Fire Chief Senior Superinten­dent Pablito Cordeta, sa kan­yang mga tauhan upang manatiling alerto sa tawag ng kanilang tungkulin.

Ayon kay Cordeta, kaila­ngang 30 segundo lamang ay nabagtas na ang kalsada at sa loob lamang ng limang minuto ay nasa crime scene na ang mga ito.

Samantala, pinaalalaha­nan din ni Cordeta ang mga opisyales ng mga barangay na i-activate ang kanilang Barangay Integrated Defense Action (BIDA) bilang pangu­nahing depensa laban sa sunog.

Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng improvised fire­fighting equipment tulad ng sandbags at drums na puno ng tubig.

Kaugnay nito, maaring tumawag ang sinuman sa hot line 117 ng DILG at o 4071230 at 7295166 kung may maga­ganap na sunog.

Show comments