Nasagi na, pinatay pa

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata matapos barilin ng isa sa dalawang lalaki sa Ca­loocan City kaha­pon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Nelson Francisco, 25 ng Mirasol St., Ba­gong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Nadakip naman sina Darwin Areja, 20; at Chris­tian Resoello, 23, kapwa ng Repub­lika St., Bagong Barrio, Caloocan City.

Base sa ulat, alas-2 ng umaga, nagla­lakad si Francisco sa Republika St., nang muntik na itong maha­gip ng tricycle ni Re­soelo habang angkas si Areja. Sinita ni Francisco ang mga suspek na naging dahilan ng pag­tatalo hanggang sa bu­nutin ni Areja ang dalang baril at putukan ang biktima.

Matapos ang insi­dente ay nagsitakas ang mga suspek at iniwang walang buhay ang bik­tima subalit sa isina­gawang follow-up opera­tion ay nadakip ang mga suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments