50-anyos na dalaga nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa labis na depres­yon makaraang mawalan ng trabaho, ipinasya ng isang 50-anyos na dalaga na magpa­kamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa lungsod Quezon kahapon.

Nakilala ang nasawi na si   Amor Tan, dating floor ma­nager ng mga clubs sa lung­sod at residente ng Masikap corner Maginoo Brgy. Pinya­han sa lungsod.

Ayon sa pulisya, alas-12 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang nakabitin sa kisame ng kanyang tinutuluyan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng awtoridad, masyado uma­nong dinamdam ng biktima ang pagkawala ng trabaho kung saan hindi na ito nakaka­bayad ng renta sa bahay.

Sinasabing dati umanong maraming pinaglilingkurang club sa lungsod ang biktima at sa hindi malamang kadahi­lanan ay natanggal ito na siyang hinihinalang ugat para makaramdam ito ng depres­yon. (Ricky Tulipat)

Show comments